Kilalanin ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat ng Bagay


I
Kung gaano karaming
pagkaunawa ukol sa Diyos
ang mayroon sa puso ng mga tao,
iyon din ang saklaw ng posisyon
na pinanghahawakan Niya
sa kanilang mga puso.
Kung gaano kalaki ang antas
ng kaalaman ukol sa Diyos
na nasa kanilang mga puso
ay ganoon kadakila ang Diyos
sa kanilang mga puso.
Kung ang Diyos na kilala mo
ay walang laman at malabo,
kung gayon ang Diyos na pinaniniwalaan mo
ay wala ring laman at malabo.
Ang Diyos na kilala mo
ay limitado lang sa sarili mong saklaw,
at walang kinalaman sa tunay na Diyos Mismo.
II
Kaya, ang pagkilala
sa praktikal na mga pagkilos ng Diyos,
ang pagkilala sa praktikalidad ng Diyos
at Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat,
ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan
ng Diyos Mismo,
ang pagkilala sa kung ano ang mayroon Siya
at kung ano Siya,
ang pagkilala sa mga gawa na ipinamalas Niya
sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha—
ang mga bagay na ito ay napakahalaga
sa bawat isang tao
na naghahangad ng kaalaman ukol sa Diyos.
Ang mga ito ay may direktang kaugnayan
kung makapapasok o hindi
ang mga tao sa katotohanang realidad.
III
Kung iyong lilimitahan
ang iyong pagkaunawa sa Diyos
sa mga salita lamang,
kung lilimitahan mo ito
sa kakaunti mong karanasan,
sa pagkalkula mo sa biyaya ng Diyos,
o sa kakaunti mong patotoo sa Diyos,
kung gayon ay sasabihin Ko
na ang Diyos na pinaniniwalaan mo’y
tiyak na hindi ang tunay na Diyos Mismo.
Maaari ring sabihin
na ang Diyos na pinaniniwalaan mo
ay isang likhang-isip na Diyos,
hindi ang tunay na Diyos.
Ito ay dahil sa ang tunay na Diyos
ay ang Siyang namumuno sa lahat,
na lumalakad sa gitna ng lahat,
na namamahala sa lahat.
Ang Diyos ang Siyang humahawak
sa kapalaran ng buong sangkatauhan
at ng lahat ng bagay
na nasa Kanyang mga kamay.
Ang mga gawain at mga gawa ng Diyos,
na Diyos na binabanggit ng Ko
ay hindi limitado lamang
sa maliit na bahagi ng mga tao.
Ibig sabihin,
hindi ito limitado lamang sa mga tao
na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan.
Ang Kanyang mga gawa
ay ipinamamalas sa lahat ng bagay,
sa pagiging buhay ng lahat ng bagay,
at sa mga batas ng pagbabago
sa lahat ng bagay.

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX