I
Mayroong isang patakaran
sa pagperpekto ng Diyos sa mga tao,
na kung saan nililiwanagan ka Niya
sa pamamagitan ng paggamit
ng isang kanais-nais na bahagi mo
upang magkaroon ka
ng landas ng pagsasagawa
at maihihiwalay mo ang sarili mo
mula sa lahat ng negatibong kalagayan,
na tumutulong sa iyong mapalaya
ang iyong espiritu,
at ginagawa kang mas kayang mahalin Siya.
Sa ganitong paraan, magagawa mong iwaksi
ang tiwaling disposisyon ni Satanas.
Hindi ka maarte at bukas ka,
handang kilalanin ang sarili mo
at isagawa ang katotohanan.
Tiyak na pagpapalain ka ng Diyos,
kaya kapag ikaw ay mahina at negatibo,
nililiwanagan ka Niya nang doble,
tinutulungan kang mas makilala ang sarili mo,
maging mas handang magsisi para sa sarili mo,
at mas maisasagawa ang mga bagay
na dapat mong isagawa.
Sa ganitong paraan lamang magiging payapa
at maginhawa ang iyong puso.
II
Ang isang taong karaniwang nakatuon
sa pagkilala sa Diyos,
sa pagkilala sa kanyang sarili,
na nakatuon sa kanyang sariling pagsasagawa,
ay madalas na makatatanggap
ng gawain ng Diyos,
maging ng Kanyang patnubay at kaliwanagan.
Kahit negatibo ang kalagayan ng taong iyon,
nagagawa niyang
baligtarin kaagad ang sitwasyon,
tulak man iyon ng budhi
o ng kaliwanagan mula sa salita ng Diyos.
Ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao
ay palaging natatamo kapag nalalaman niya
ang kanyang sariling tunay na kalagayan
at ang disposisyon at gawain ng Diyos.
Ang isang taong handang kilalanin
ang kanyang sarili at maging bukas
ay makakayang isagawa ang katotohanan.
Ang ganitong klaseng tao
ay isang taong tapat sa Diyos,
at mayroon siyang pag-unawa sa Diyos,
malalim man o mababaw ang pagkaunawang ito,
kakaunti man o sagana.
Ito ang katuwiran ng Diyos,
at isang bagay ito na natatamo ng mga tao;
sarili nilang pakinabang ito.
III
Ang isang taong may kaalaman
tungkol sa Diyos
ay isa na may batayan, may pananaw.
Ang ganitong klaseng tao ay nakatitiyak
tungkol sa katawang-tao ng Diyos,
at nakatitiyak tungkol
sa salita at gawain ng Diyos.
Paano man gumagawa o nagsasalita ang Diyos,
o paano man nagsasanhi
ng kaguluhan ang ibang mga tao,
kaya niyang manindigan,
at tumayong saksi para sa Diyos.
Kapag lalong ganito ang isang tao,
lalo niyang maisasagawa
ang katotohanang kanyang nauunawaan.
Dahil lagi niyang isinasagawa
ang salita ng Diyos,
lalo siyang nagtatamo ng kaunawaan sa Diyos,
at matatag ang kanyang pasya
na tumayong saksi
para sa Diyos magpakailanman.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto