Maging Isang Tao na Tumatanggap sa Katotohanan


I
Ang pagbabalik ni Jesus
ay isang dakilang kaligtasan
para sa mga may kakayahang tanggapin
ang katotohanan,
ngunit para sa mga hindi nagagawang
tanggapin ang katotohanan,
ito’y isang tanda ng pagkondena.
Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas,
at hindi ninyo dapat lapastanganin
ang Banal na Espiritu
at tanggihan ang katotohanan.
Hindi ninyo dapat lapastanganin
ang Banal na Espiritu
at tanggihan ang katotohanan.
Hindi kayo dapat maging mangmang
at mapagmataas,
kundi isang taong nagpapasakop sa patnubay
ng Banal na Espiritu
at nananabik at naghahanap sa katotohanan;
sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang.
II
Pinapayuhan Ko kayo
na tahakin nang maingat
ang landas ng paniniwala sa Diyos.
Huwag kayong magsalita nang patapos;
bukod pa riyan, huwag kayong maging kaswal
at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos.
Dapat ninyong malaman na,
kahit paano, yaong mga naniniwala sa Diyos
ay dapat magtaglay ng mapagpakumbaba
at may takot sa Diyos na puso.
Yaong mga nakarinig sa katotohanan
subalit minamaliit ito
ay mga hangal at mangmang.
Yaong mga nakarinig sa katotohanan
subalit walang-ingat na
nagsasalita nang patapos
o kinokondena ito’y puno ng kayabangan.
Walang sinumang naniniwala kay Jesus
ang kwalipikadong sumpain
o kondenahin ang iba.
Lahat kayo’y dapat maging makatwiran
at maging mga taong
tumatanggap sa katotohanan.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa