Gaano Kahalaga ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang eksenang inilarawan sa Bibliya
“Ang Utos ng Diyos kay Adan”
ay isang larawan na nakakaantig
at nakakagalak sa puso.
Bagama’t ang Diyos at ang tao lamang ang narito,
ang pagiging malapit nila sa isa’t isa
ay pumupuspos sa inyo ng paghanga.
II
Ang masaganang pag-ibig ng Diyos
ay malayang ipinagkaloob sa tao
at bumabalot sa tao;
ang tao ay inosente at dalisay,
walang mga dinadala at alalahanin,
napakaligayang nabubuhay
sa ilalim ng pagtingin ng Diyos;
nagpapakita ang Diyos ng malasakit para sa tao,
habang ang tao ay namumuhay
sa ilalim ng proteksyon at pagpapala ng Diyos;
ang bawat bagay na ginagawa at sinasabi ng tao
ay malapit na nakaugnay
at hindi maihihiwalay sa Diyos.
III
Nakadama ang Diyos ng pananagutan sa tao
simula noong nilikha Niya ang tao.
Ano ang Kanyang pananagutan?
Kailangan Niyang protektahan ang tao,
alagaan ang tao.
Umaasa Siyang magtitiwala at susunod ang tao
sa Kanyang mga salita.
Ito rin ang unang inaasahan ng Diyos
mula sa tao.
Ito rin ang unang inaasahan ng Diyos
mula sa tao.
IV
Dahil sa pag-asang ito
kaya sinasabi ng Diyos ang mga sumusunod:
“Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan
ay makakakain ka nang may kalayaan:
Datapuwat sa kahoy ng pagkakilala
ng mabuti at masama
ay huwag kang kakain;
sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyaon
ay walang pagsalang mamamatay ka.”
Ang mga simpleng salitang ito
ay kumakatawan sa mga layunin ng Diyos.
Ibinubunyag din ng mga ito na sa Kanyang puso,
ang Diyos ay nagsimula nang magpakita
ng malasakit para sa tao.
V
Sa iilang simpleng salita na ito,
makikita natin ang puso ng Diyos.
May pag-ibig ba sa puso ng Diyos?
Mayroon bang malasakit?
Ang pag-ibig at malasakit ng Diyos
ay hindi lamang mapahahalagahan
kundi madarama rin nang masinsinan.
Bilang isang taong may konsensya
at may diwa ng pagiging makatao,
makakaramdam ka ng init,
makakaramdam ka ng pag-aalaga at pagmamahal,
at makakaramdaman ka ng kaligayahan,
makakaramdaman ka ng kaligayahan.
VI
Kapag nadama mo ang mga bagay na ito,
paano ka makikitungo sa Diyos?
Madarama mo kayang
labis kang malapit sa Diyos?
Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos
mula sa kaibuturan ng iyong puso?
Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos?
Makikita mo mula rito
kung gaano talaga kahalaga para sa tao
ang pag-ibig ng Diyos.
Ngunit ang lubhang mas mahalaga
ay ang pagpapahalaga at pag-unawa ng tao
sa pagmamahal ng Diyos.

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I