I
Ang katapatan ay nangangahulugang
pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos,
pagiging totoo sa Diyos sa lahat ng bagay,
pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay,
hindi pagtatago kailanman ng mga katunayan,
hindi pagtatangkang manlinlang
ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo,
at hindi paggawa ng mga bagay
para lamang sumipsip sa Diyos.
Sa madaling salita, ang pagiging tapat
ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita,
at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao.
Kung puno ng mga palusot
at mga walang halagang pangangatwiran
ang mga salita mo,
sinasabi Ko na isa kang taong
ayaw isagawa ang katotohanan.
II
Kung marami kang sekretong
atubili kang ibahagi,
kung ayaw na ayaw mong ilantad
ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—
sa harap ng iba
upang hanapin ang daan ng liwanag,
sinasabi Kong isa kang taong
hindi madaling matatamo ang kaligtasan,
at hindi madaling makakaahon
mula sa kadiliman.
Kung nakalulugod sa iyo
ang paghahanap sa daan ng katotohanan,
isa kang taong
palaging nananahan sa liwanag.
Kung nakalulugod sa iyo
ang paghahanap sa daan ng katotohanan,
isa kang taong
palaging nananahan sa liwanag.
III
Kung lubha kang nagagalak
na maging isang tagapagserbisyo
sa sambahayan ng Diyos,
gumagawa nang masigasig
nang walang nakakakita,
palaging nagbibigay
at hindi kailanman kumukuha,
sinasabi Kong isa kang tapat na banal,
sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala
at nagsisikap ka lamang
na maging tapat na tao.
Kung handa kang maging matapat,
kung handa kang gugulin ang lahat-lahat mo,
kung magagawa mong isakripisyo
ang buhay mo para sa Diyos
at manindigan sa patotoo mo,
kung ikaw ay matapat hanggang sa puntong
ang alam mo lamang
ay bigyang-kasiyahan ang Diyos
at hindi isaalang-alang ang iyong sarili
o kumuha para sa sarili,
sinasabi Ko na ang gayong mga tao
ay ang mga tinutustusan sa liwanag
at siyang mabubuhay magpakailanman
sa kaharian.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala