Taglay ng Nagkatawang-taong Diyos ang Pagkatao at Mas Lalo Na ang Pagka-Diyos

I
Ang “pagkakatawang-tao” ay
ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao;
gumagawa ang Diyos sa gitna ng
nilikhang sangkatauhan
sa larawan ng katawang-tao.
Kaya ngayong nagkatawang-tao ang Diyos,
kailangan muna Siyang magkaroon
ng katawang-tao,
katawang-taong may normal na pagkatao;
ito ang pinakapangunahing kinakailangan.
Ang pahiwatig ng pagkakatawang-tao ng Diyos
ay na ang Diyos ay namumuhay at gumagawa
sa katawang-tao,
na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay
nagkatawang-tao, naging isang tao.
Umiiral ang Kanyang pagkatao
para sa Kanyang pisikal na diwa;
hindi maaaring magkaroon ng katawang-tao
nang walang pagkatao,
at ang isang taong walang pagkatao
ay hindi isang tao.
Sa ganitong paraan,
ang pagkatao ng laman ng Diyos
ay isang likas na katangian
ng nagkatawang-taong laman ng Diyos.
Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos,
Siya ay ganap na banal,
at walang pagkatao,” ay isang kalapastanganan,
sapagkat wala talagang ganitong pahayag,
at lumalabag ito sa prinsipyo
ng pagkakatawang-tao.
II
Ang kumakatawan sa gawain ay
ang pagka-Diyos na nananahan
sa Kanyang pagkatao.
Ang Kanyang pagka-Diyos,
hindi ang Kanyang pagkatao, ang gumagawa,
subalit ang pagka-Diyos na ito
ay nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao;
sa diwa, ang Kanyang gawain
ay ginagawa ng Kanyang ganap na pagka-Diyos,
hindi ng Kanyang pagkatao.
Ngunit ang nagsasagawa ng gawain
ay ang Kanyang katawang-tao.
Masasabi ng isang tao na Siya
ay isang tao at isa ring Diyos,
sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos
na namumuhay sa katawang-tao,
may katawan ng tao at diwa ng tao
ngunit mayroon ding diwa ng Diyos.
Dahil Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos,
nangingibabaw Siya sa lahat ng taong nilikha,
nangingibabaw sa sinumang taong
makakagawa ng gawain ng Diyos.
Sa lahat ng may katawan ng taong
kagaya ng sa Kanya,
sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao,
Siya lamang ang Diyos Mismo
na nagkatawang-tao—
lahat ng iba pa ay mga taong nilikha.
Bagama’t lahat sila ay may pagkatao,
walang ibang taglay ang mga tao
maliban sa pagkatao,
samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao
ay naiiba:
Sa Kanyang katawang-tao
hindi lamang Siya may pagkatao kundi,
ang mas mahalaga,
mayroon Siyang pagka-Diyos.
Ngayong naging tao ang Diyos,
ang Kanyang diwa ay isang kombinasyon
ng pagkatao at ng pagka-Diyos.
Ang kombinasyong ito
ay tinatawag na Diyos Mismo,
Diyos Mismo sa lupa.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos