I
Kailangan mo munang lutasin
ang lahat ng paghihirap sa iyong kalooban
sa pamamagitan ng pag-asa sa Diyos.
Wakasan ang iyong masamang disposisyon
at tunay na maunawaan
ang iyong sariling kalagayan
at alamin kung paano ka dapat kumilos;
patuloy na makipagbahaginan
tungkol sa anumang bagay
na hindi mo nauunawaan.
Hindi katanggap-tanggap na hindi makilala
ng isang tao ang kanyang sarili.
Paghilumin mo muna
ang sarili mong karamdaman,
at, sa pagkain at pag-inom
ng Aking mga salita nang mas madalas
at pagbubulay-bulay tungkol sa mga ito,
mabuhay at gawin ang iyong mga gawa
batay sa Aking mga salita;
nasa bahay ka man o nasa ibang lugar,
dapat mong tulutan ang Diyos
na gumamit ng kapangyarihan sa iyong kalooban.
Iwaksi ang laman at ang pagiging natural.
Laging hayaan na magkaroon ng kapamahalaan
ang mga salita ng Diyos sa iyo.
Hindi kailangang mag-alala
na hindi nagbabago ang buhay mo;
pagdating ng panahon, madarama mo
na malaki ang ipinagbago ng iyong disposisyon.
II
Ang mahalaga ngayon ay magtuon sa buhay,
kumain at uminom pa ng Aking mga salita,
danasin at alamin ang Aking mga salita,
tunay na gawing buhay mo
ang Aking mga salita—
ito ang mga pangunahing bagay.
Kung hindi kaya ng isang tao na mamuhay
ayon sa mga salita ng Diyos,
lalago ba ang kanilang buhay?
Kailangan mong mamuhay
ayon sa Aking mga salita sa lahat ng oras
at gawing panuntunan ng pag-uugali sa buhay
ang Aking mga salita,
ipapadama nito sa’yo
na ang pagkilos ayon sa panuntunang iyon
ang nakakagalak sa Diyos,
at ang pagkilos nang taliwas
ay kinamumuhian ng Diyos;
at unti-unti, makakatahak ka
sa tamang landas.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 22