I
Ano mang yugto ang narating mo na
sa iyong karanasan,
hindi ka maihihiwalay
sa salita ng Diyos o sa katotohanan,
at kung ano ang iyong pagkaunawa
sa disposisyon ng Diyos
at kung ano ang iyong nalalaman
sa kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos
ay ipinahahayag lahat sa mga salita ng Diyos;
nauugnay ang mga ito
nang hindi maihihiwalay sa katotohanan.
Ang disposisyon ng Diyos
at kung ano’ng mayroon at kung ano Siya ay,
mismong, ang katotohanan;
ang katotohanan ay isang tunay
na pagpapamalas ng disposisyon ng Diyos
at ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya.
Ginagawa nitong kongkreto ang kung
ano ang mayroon at kung ano Siya,
at malinaw nitong ipinahahayag ang kung
ano ang mayroon at kung ano Siya;
sinasabi nito sa iyo nang mas tuwiran
kung ano ang gusto ng Diyos,
kung ano ang hindi Niya gusto,
kung ano ang nais Niyang gawin mo
at kung ano ang
hindi Niya pinahihintulutang gawin mo,
kung anong mga tao ang kinamumuhian Niya
at kung anong mga tao ang kinagigiliwan Niya.
II
Sa likod ng mga katotohanang
ipinahahayag ng Diyos,
makikita ng tao ang Kanyang kagalakan,
galit, kalungkutan, at kasiyahan,
gayundin ang Kanyang diwa, Kanyang diwa—
ito ang paghahayag ng Kanyang disposisyon.
Maliban sa pagkaalam sa kung
ano ang mayroon at kung ano ang Diyos,
at pagkaunawa sa Kanyang disposisyon
mula sa Kanyang salita,
ang pinakamahalaga ay ang pangangailangan
na marating ang pagkaunawang ito
sa pamamagitan ng praktikal na karanasan.
Kung inaalis ng isang tao ang kanyang sarili
mula sa tunay na buhay
upang makilala ang Diyos,
hindi nila makakamit ang kaalaman sa Diyos.
Kahit na may mga tao na makapagkakamit
ng kaunting pagkaunawa mula sa salita ng Diyos,
ang kanilang pagkaunawa ay limitado
sa mga teorya at salita,
at lumilitaw ang pagkakaiba
sa kung ano talaga ang Diyos Mismo.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III