Gumagawa ng mga Himala ang mga Salita ng Diyos

I
O Diyos! Nagkatawang-tao Ka
para pumarito sa piling ng sangkatauhan,
dinala Mo sa amin
ang daan ng buhay na walang hanggan.
Ang lahat ng salita Mo ay ang katotohanan,
humahatol at lumilinis
sa aming tiwaling disposisyon.
Ang mga salita Mo ay may awtoridad
at nagliligtas sa amin
mula sa impluwensiya ni Satanas.
Malalim na nakaugat
ang pagmamahal mo sa aming puso,
at gumagawa ng mga bagong kanta
ng papuri sa Iyo
ang lahat ng tao Mo.
Makapangyarihang Diyos,
pinupuri Ka namin!
Makapangyarihang Diyos,
pinupuri Ka namin!
Ang paglago ng bawat tao Mo
ay hindi maihihiwalay sa pagdidilig
at pagpapastol ng mga salita Mo.
Ang puso ng bawat tao Mo
ay puno ng pagmamahal
at pagkagiliw para sa Iyo.
Ganap Mong nakamit
ang buong pagkatao namin,
paanong hindi kami aawit para sa Iyo?
II
O Diyos! Ang katuwiran Mo
ay mas mataas sa mga langit,
ang kapanahunan ng kasamaan
ay sinusunog ng poot Mo.
Ibinubunyag ng mga salita Mo
ang Iyong pagkamakapangyarihan-sa-lahat,
ginagawang bagong muli at puno ng sigla
ang langit at lupa at lahat ng bagay.
Nakamit Mo ang ganap na kaluwalhatian,
nagtagumpay Ka laban kay Satanas
at natalo Mo ang mga kalaban.
Lahat ng tao Mo ay nagbabalik
sa harap ng trono Mo,
nagtatamasa sa kasaganahan Mo,
at nagpaparangal
sa mga kamangha-mangha Mong gawa.
Makapangyarihang Diyos,
pinupuri Ka namin!
Makapangyarihang Diyos,
pinupuri Ka namin!
Sa bawat sandali ng buhay at kamatayan,
ginagabayan kami ng mga salita Mo
para mapagtagumpayan namin
ang pagpapahirap ni Satanas.
Ang bawat matunog na patotoo
ay pumupuri sa Iyong walang hanggang
pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan.
Ang mga salita Mo ay ang katotohanan
at nagsasakatuparan sa lahat ng bagay,
nililinis at pineperpekto
ang isang grupo ng mga tao
at ginagawa silang mga mananagumpay.
Ang buong sansinukob
ay nagsusumigaw ng papuri sa Iyo,
at hindi kailanman mapapatahimik
ang mga tinig na ito ng papuri!