Sinasang-ayunan ng Diyos ang mga Nagmamahal sa Kanya


I
Ang mga nagmamahal sa Diyos
ay nagpapasakop sa Kanya,
namumuhay sila sa harap Niya araw-araw.
Sa pagkamit ng patnubay ng mga salita ng Diyos,
mayroong kaalwanan, kapayapaan, kasiyahan.
Ang mga nagmamahal sa Diyos
ay may matapat na puso;
sa sandaling maunawaan nila ang katotohanan,
isinasagawa nila ito.
Tunay silang nagsasaalang-alang
sa mga layunin ng Diyos,
at tinutupad nila ang kanilang tungkulin
para masiyahan Siya.
Pinagpapala ng Diyos
ang mga nagmamahal sa Kanya,
ang Kanyang paghatol at pagkastigo
ay laging nasa kanila.
Sa paghahanap ng katotohanan
at pagkakamit ng liwanag,
nalilinis ang isang tiwaling disposisyon.
Ang mga nagmamahal sa Diyos ay may prinsipyo,
sumasandal sila sa katotohanan
sa kanilang mga pananaw at kilos.
Walang mga patakaran at walang mga tanikala,
nauunawaan nila ang katotohanan
at napalaya na sila.
II
Ang mga nagmamahal sa Diyos
ay may takot sa Kanya,
tinatanggap nila ang Kanyang pagsisiyasat
sa lahat ng bagay.
Magkaisa silang nagtutulungan
at naglilingkod sa Diyos,
isinasabuhay nila ang realidad at may patotoo.
Ang mga nagmamahal sa Diyos ay tapat sa Kanya;
dumaranas ng mga pagsubok,
matibay ang kanilang pananalig.
Binibitawan nila ang hinaharap at tadhana,
buong-pusong nagmamahal
sa Makapangyarihang Diyos.
Ang mga nagmamahal sa Diyos
ay tunay na masaya,
sa pamamagitan ng paghatol,
nakakamit nila ang kaligtasan.
Nakakamit nila ang mga salita ng Diyos
bilang kanilang buhay,
namumuhay sila sa liwanag ng Kanyang mukha.
Ang mga nagmamahal sa Diyos
ay sumasamba sa Kanya,
pinupuri nila ang katuwiran
at kabanalan ng Diyos.
Ang mga nagmamahal sa Diyos
ay nagtataglay ng katotohanan,
lagi silang magpapatotoo
at magluluwalhati sa Diyos.