Ang Pagdurusa para sa Pagsasagawa ng Katotohanan ay Lubos na Makabuluhan


I
Ibinunyag na ng Diyos
ang Kanyang mga salita sa inyo,
at ang inyong susunod na hakbang
ay ang talagang isagawa ang mga ito.
Habang isinasagawa ninyo
ang mga salitang ito,
isasakatuparan ng Diyos
ang gawain ng pagliliwanag at pagpapatnubay.
Ganyan ito dapat na isakatuparan.
Sa kaibuturan nito,
ang inyong mithiin ay ang hayaang magkabisa
ang salita ng Diyos sa inyong kalooban.
Sa madaling salita,
ito ay ang magkaroon ng isang tunay
na pagkaunawa sa salita ng Diyos
sa inyong pagsasagawa nito.
Marahil, mahina ang iyong abilidad
na arukin ang salita ng Diyos,
ngunit kapag isinasagawa ninyo
ang salita ng Diyos,
maaari Niyang punan ang kakulangang ito,
kaya maliban sa kailangan ninyong malaman
ang maraming katotohanan,
kailangan din ninyong isagawa ang mga ito.
Ito ang pinakamahalagang pokus
na hindi maaaring balewalain.
II
Tiniis ni Jesus
ang maraming kahihiyan at pagdurusa
sa Kanyang tatlumpu’t tatlong kalahating taon.
Nagdusa Siya nang labis
dahil lamang sa isinagawa Niya
ang katotohanan,
sinunod ang kalooban ng Diyos
sa lahat ng bagay,
at isinaalang-alang lang
ang mga layunin ng Diyos.
Ito ay pagdurusang hindi sana Niya dinanas
kung nalaman Niya ang katotohanan
nang hindi iyon isinasagawa.
Kung sinunod ni Jesus
ang mga turo ng mga Hudyo
at sinunod ang mga Pariseo,
hindi sana Siya nagdusa.
Matututuhan mo mula sa mga gawa ni Jesus
na ang bisa ng gawain ng Diyos sa tao
ay nagmumula sa pakikipagtulungan ng tao,
at ito ay isang bagay
na kailangan ninyong kilalanin.
Nagdusa kaya si Jesus
na tulad ng dinanas Niya sa krus
kung hindi Niya isinagawa ang katotohanan?
Nanalangin kaya Siya
ng napakalungkot na panalangin
kung hindi Siya kumilos
alinsunod sa kalooban ng Diyos?
Samakatuwid, dapat kayong magdusa
alang-alang sa pagsasagawa ng katotohanan;
ito ang uri ng pagdurusang
dapat danasin ng isang tao.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa