I
Ngayon, kinakastigo, hinahatulan,
at isinusumpa
kayo kaya nabibigyan kayo ng proteksyon.
Nagdusa na kayo nang husto
kaya kayo ay protektado.
Kung hindi, matagal na sana kayong
nasadlak sa kabulukan.
Hindi ito sadyang pagpapahirap
ng mga bagay para sa inyo—
ang kalikasan ng tao ay mahirap baguhin,
at kailangang magkaganito
para mabago ang kanilang mga disposisyon.
Ngayon, ni wala kayo
ng kamalayan ni Pablo sa sarili.
Palagi kayong kailangang kastiguhin at hatulan
para magising ang inyong espiritu.
Pagkastigo at paghatol ang pinakamabuti
para sa inyong buhay.
At kapag kinakailangan,
dapat ay mayroon ding pagkastigo
ng mga katotohanang dumarating sa inyo;
saka lamang kayo lubos na magpapasakop.
II
Ang inyong kalikasan ay ganito na
kung walang pagkastigo at pagsumpa,
hindi ninyo gugustuhing yumuko,
hindi gugustuhing magpasakop.
Kung hindi ninyo nakikita ang mga katunayan,
walang magiging epekto.
Masyadong aba at walang halaga
ang inyong pagkatao!
Kung wala ang pagkastigo at paghatol,
magiging mahirap kayong malupig,
at mahirap daigin
ang inyong kawalan ng katuwiran at pagsuway.
Ang inyong dating likas na pagkatao
ay nakaugat nang napakalalim.
Kung inilagay kayo sa trono,
hindi ninyo malalaman
ang inyong lugar sa sansinukob,
lalong wala kayong ideya
kung saan kayo patungo.
Ni hindi ninyo alam kung saan kayo nagmula,
kaya paano ninyo makikilala
ang Panginoon ng paglikha?
III
Kung wala ang napapanahong pagkastigo
at mga pagsumpa sa ngayon,
matagal na sanang dumating
ang inyong huling araw.
Huwag nang banggitin pa
ang inyong kapalaran—
hindi ba mas nalalapit iyon sa panganib?
Kung wala ang napapanahong pagkastigo
at paghatol na ito,
sino ang nakakaalam
kung gaano katindi kayong yayabang,
kung gaano kayo magiging kabuktot.
Wala talaga kayong kakayahang kontrolin
at pagnilayan ang inyong sarili.
Nadala na kayo ng pagkastigo
at paghatol na ito sa kasalukuyan,
at naingatan ng mga ito ang inyong buhay.
Hindi ba dapat
mas paghusayan ninyo ang pagtanggap
ng pagkastigo at paghatol sa ngayon?
Ano pang ibang pagpipilian
ang mayroon kayo?
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (6)