I
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay,
kaya nga ginagawa Niyang sumailalim
ang lahat ng nilikha
sa Kanyang kapamahalaan
at magpasakop sa Kanyang kapamahalaan;
pamamahalaan Niya ang lahat ng bagay,
para lahat ng bagay
ay nasa Kanyang mga kamay.
Lahat ng nilikha ng Diyos,
pati na ang mga hayop, halaman, sangkatauhan,
kabundukan at mga ilog, at mga lawa—
lahat ay kailangang sumailalim
sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat ng bagay sa kalangitan at sa lupa
ay kailangang sumailalim
sa Kanyang kapamahalaan.
Hindi sila maaaring magkaroon
ng anumang pagpipilian
at kailangang magpasakop ang lahat
sa Kanyang mga pamamatnugot.
Ito ay iniutos ng Diyos,
at ito ang awtoridad ng Diyos.
II
Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat,
at inaayos at inihahanay ang lahat ng bagay,
na ang bawat isa ay nakakategorya
ayon sa uri,
at pinaglaanan ng sarili nilang posisyon,
ayon sa mga pagnanais ng Diyos.
Gaano man iyon kalaki,
walang anumang bagay ang makakahigit sa Diyos,
lahat ng bagay ay nagsisilbi
sa sangkatauhang nilikha ng Diyos,
at walang anumang bagay ang nangangahas
na maghimagsik laban sa Diyos
o humingi ng anuman sa Diyos.
Kaya ang tao, bilang isang nilikha,
ay kailangan ding tuparin
ang tungkulin ng tao.
Siya man ang panginoon
o tagapag-alaga ng lahat ng bagay,
gaano man kataas ang katayuan ng tao
sa lahat ng bagay,
maliit na tao pa rin siya
sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos,
at isang walang kabuluhang tao lang,
isang nilikha,
at hindi kailanman makahihigit sa Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao