I
Ang sangkatauhan ng hinaharap
ay magiging mga inapo pa rin nina Adan at Eba,
ngunit sila ay hindi mamumuhay
sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas.
Sa halip, sila ay magiging
ang mga taong iniligtas
at ginawang dalisay.
Ito ay magiging isang sangkatauhan
na hinatulan at kinastigo na,
at isa na banal.
Ang mga taong ito ay hindi magiging katulad
ng orihinal na lahi ng tao.
Halos maaaring sabihin
na magiging ganap na iba
ang kanilang uri
mula kina Adan at Eba sa simula.
II
Napili ang mga taong ito mula sa lahat
ng mga ginawang tiwali ni Satanas,
sila sa huli ang mananatiling matatag
sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos;
sila ang huling natitirang pangkat ng mga tao
sa gitna ng tiwaling sangkatauhan.
Tanging ang mga taong ito
ang magagawang makapasok
sa huling pahinga kasama ng Diyos.
Ang mga nagagawang tumayo nang matatag
sa panahon ng gawain ng paghatol
at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—
iyon ay, sa panahon
ng huling gawain ng paglilinis—
ang siyang makakapasok
sa pangwakas na pahinga sa tabi ng Diyos.
Sa gayon,
lahat ng mga pumapasok sa kapahingahan
ay makatatakas
mula sa impluwensiya ni Satanas
at nakuha na sila ng Diyos
pagkatapos sumailalim
sa Kanyang huling gawain ng paglilinis.
Ang mga taong ito,
na sa wakas ay natamo na ng Diyos,
ay papasok sa huling pahinga.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama