Sundin ang mga Salita ng Diyos at Hindi Ka Maliligaw

I
Umaasa ang Diyos na makakaya ninyong
kumain at uminom nang mag-isa,
at lagi kayong mabubuhay
sa liwanag ng presensya ng Diyos,
at hindi kailanman lumayo
sa mga salita ng Diyos sa inyong buhay;
saka lamang kayo mapupuspos
ng mga salita ng Diyos.
Sa bawat salita at gawa mo,
ang mga salita ng Diyos
ang tiyak na gagabay sa iyo pasulong.
Kung tapat kang lalapit sa Diyos
sa ganitong antas,
at palaging makikipagbahaginan sa Diyos,
kung gayon ay wala kang gagawin
na mauuwi sa kalituhan
o mag-iiwan sa iyo
nang hindi alam ang gagawin.
Siguradong makakatabi mo ang Diyos,
lagi kang makakakilos
alinsunod sa salita ng Diyos.
Siguradong makakatabi mo ang Diyos,
lagi kang makakakilos
alinsunod sa salita ng Diyos.
II
Sa bawat tao, pangyayari, at bagay
na nakakaharap mo,
ang salita ng Diyos ay magpapakita
sa iyo anumang oras,
ginagabayan ka na kumilos
alinsunod sa Kanyang mga layunin
at sumunod sa Kanyang salita
sa lahat ng ginagawa mo.
Aakayin ka ng salita ng Diyos nang pasulong
sa bawat kilos mo;
hindi ka kailanman maliligaw,
at magagawa mong mamuhay
sa bagong liwanag,
na may higit at mas bagong
mga kaliwanagan.
Hindi mo maaaring gamitin
ang mga kuru-kuro ng tao
para pag-isipang mabuti ang dapat mong gawin;
dapat kang magpasakop
sa paggabay ng salita ng Diyos,
magkaroon ng malinis na puso,
maging tahimik sa harapan ng Diyos,
at lalo pang magnilay-nilay.
Huwag kang mabalisang
maghanap ng mga solusyon
sa mga bagay na hindi mo nauunawaan;
dalhin ang gayong mga bagay
sa harapan ng Diyos nang mas madalas,
at mag-alay sa Kanya ng tapat na puso.
III
Maniwala na ang Diyos
ang iyong Makapangyarihan sa lahat.
Dapat kang magkaroon
ng masidhing paghahangad para sa Diyos,
sabik na naghahanap
habang tumatanggi sa mga pagdadahilan,
intensyon, at pakana ni Satanas.
Huwag mawalan ng pag-asa.
Huwag manghina.
Maghanap nang buong puso;
maghintay nang buong puso.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos,
at alisin sa iyong sarili
ang lahat ng humahadlang sa kalooban mo.
Maniwala na ang Diyos
ang iyong Makapangyarihan sa lahat.
Dapat kang magkaroon
ng masidhing paghahangad para sa Diyos,
sabik na naghahanap
habang tumatanggi sa mga pagdadahilan,
intensyon, at pakana ni Satanas.
Huwag mawalan ng pag-asa.
Huwag manghina.
Maghanap nang buong puso;
maghintay nang buong puso.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos,
at alisin sa iyong sarili
ang lahat ng humahadlang sa kalooban mo.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos,
at alisin sa iyong sarili
ang lahat ng humahadlang sa kalooban mo.

mula sa Pagbabahagi ng Diyos