I
Nang pumarito ang Diyos sa lupa,
hindi Siya kabilang sa mundo,
hindi Siya nagkatawang-tao
para tamasahin ang mundo.
Ang lugar kung saan ipapakita ng paggawa
ang Kanyang disposisyon
at magiging pinakamakahulugan
ay ang lugar kung saan Siya isinilang.
Banal man o marumi ang lupain,
at saan man Siya gumagawa,
Siya ay banal, Siya ay banal.
Lahat ng bagay sa mundo ay nilikha Niya,
bagama’t lahat
ay nagawa nang tiwali ni Satanas.
Gayunpaman, lahat ng bagay
ay pag-aari pa rin Niya;
nasa mga kamay Niya ang lahat ng iyon.
II
Pumupunta ang Diyos
sa isang maruming lupain
at gumagawa roon
upang ihayag ang Kanyang kabanalan;
ginagawa lamang Niya ito
alang-alang sa Kanyang gawain,
na ibig sabihin ay tinitiis Niya
ang malaking kahihiyan
upang gawin ang gayong gawain
upang iligtas ang mga tao
ng maruming lupaing ito.
Ginagawa ito upang magpatotoo,
para sa kapakanan ng buong sangkatauhan.
Ang ipinapakita sa mga tao ng gayong gawain
ay ang katuwiran ng Diyos,
at mas naipapakita nito
ang pangingibabaw ng Diyos.
Ang Kanyang kadakilaan at pagkamatuwid
ay nakikita sa pagliligtas sa isang grupo
ng mga taong hamak na nililibak ng iba.
III
Ang maisilang sa isang maruming lupain
ay ni hindi man lang nagpapatunay
na ang Diyos ay hamak;
tinutulutan lamang nitong makita
ng lahat ng mga nilikha
ang Kanyang kadakilaan
at Kanyang tunay na pagmamahal
para sa sangkatauhan.
Habang mas ginagawa Niya ito,
mas inihahayag nito
ang Kanyang dalisay na pagmamahal,
ang Kanyang perpektong pagmamahal sa tao.
Ang Diyos ay banal at matuwid,
kahit isinilang Siya
sa isang maruming lupain,
at kahit nabubuhay Siyang kasama
ng mga taong puno ng karumihan,
gaya noong namuhay si Jesus
sa piling ng mga makasalanan
sa Kapanahunan ng Biyaya.
Hindi ba’t ginawa ang Kanyang buong gawain
upang manatiling buhay
ang buong sangkatauhan?
Hindi ba’t lahat ng iyon ay upang magtamo
ng dakilang kaligtasan ang sangkatauhan?
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab