I
Ang tunay na paniniwala sa Diyos
ay hindi tungkol sa paniniwala sa Kanya
para lamang maligtas,
at lalong hindi pananalig sa Kanya
para lamang maging isang mabuting tao.
Hindi rin ito pananalig sa Kanya
para lamang magtamo ng wangis ng tao.
Sa katunayan,
ang pananalig ng mga tao sa Diyos
ay hindi dapat tingnan
bilang paniniwala lamang na may Diyos,
at na Siya ang katotohanan,
ang daan, ang buhay.
Hindi lang iyon ang lahat.
Hindi rin ito tungkol lamang
sa pagkilala sa Diyos,
at paniniwalang Siya
ang may Kataas-taasang Kapangyarihan
sa lahat ng bagay,
na Siya ay makapangyarihan sa lahat,
na nilikha Niya ang mundo
at lahat ng bagay,
na Siya ay natatangi,
at na Siya ang pinakamataas.
Hindi ito nagtatapos
sa paniniwala sa katunayang iyon.
II
Ang layunin ng Diyos
ay na ang iyong buong pagkatao at puso
ay dapat ibigay sa Kanya
at magpasakop sa Kanya.
Ibig sabihin, dapat kang sumunod sa Diyos,
hayaan Siyang gamitin ka,
at maging masaya ka
na makapagserbisyo man lamang sa Kanya
ang anumang ginagawa mo para sa Kanya
ay ang dapat gawin.
Hindi ito nangangahulugan na iyon lamang
mga itinalaga at hinirang ng Diyos
ang dapat maniwala sa Kanya.
Ang totoo, ang buong sangkatauhan
ay dapat sumamba sa Diyos,
makinig sa Kanya at magpasakop sa Kanya,
dahil ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi